Nagtala ang PhilJobNet, ang internet-based job and applicant matching system ng labor department, ngayong linggo ng mahigit 2,000 bagong bakanteng trabaho sa larangan ng sales.

Sa ulat ng Bureau of Local Employment (BLE), ang bagong bakante ay para sa posisyon na merchandiser – 495; junior supervisor – 495; customer service assistant – 380; cashier – 296; at stall salesperson – 200.

Nangunguna pa rin sa lingguhang listahan ng oportunidad sa trabaho ang mga bakante sa call center na may 2,060. Ito ay sinundan ng staff nurse – 650; mason – 502; market salesperson – 441; household attendant – 349; at public health nurse – 297.

May mga bakante rin para sa non-formal education teacher – 270; financial/accounts specialist – 248; service crew – 245; domestic helper – 211; waiter – 210; barista – 204; construction carpenter – 195; warehouseman – 191; at supervising management specialist (government) – 160.

Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang publiko na gamitin ang pinalakas na serbisyo ng PhilJobnet dahil nilalayon nito na gawing mabilis ang paghahanap ng aplikante ng trabaho at ang paghahanap ng employer ng kanilang manggagawa.

Sa ngayon, ang job portal ay mayroong 21,628 aktibong aplikante at 2,819 akreditong employer na may nakatalang bakanteng trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, ang mga naghahanap ng trabaho at ang employer ay maaaring mag-log on sa http://philjobnet.gov.ph/

END/aldm/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry