Nasa 30,000 trabaho sa lokal at ibang bansa ang puwedeng aplayan ng mga job seeker sa Hunyo 12, sa Senior Citizens’ Garden sa Rizal Park, Maynila, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang nasabing venue ay isa lamang sa 19 na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair na lugar sa buong bansa na binuo para sa paggunita ng ika-120 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas.

Sa ulat mula kay Regional Director Henry John Jalbuena mula sa DOLE National Capital Region (DOLE-NCR), mayroong kabuuang 73 participating employers (45 local, 20 overseas, at 8 government agencies) ang maghahatid ng aabot sa 29,751 na trabaho sa lokal, ibang bansa, at mga trabaho sa gobyerno.

Ang may pinakamaraming trabaho sa loob ng bansa ang nasa industriya ng konstruksyon, transportasyon at sales.

Kabilang sa mga bakanteng trabaho sa industriya ng konstruksyon ay mga CIP installers, welder, mason/finishing mason, karpintero, leadman, scaffolders, painter, steelman, tinsmith, at tilesetter.

Ilan rin sa mga bakanteng mapapasukan ay bilang mga driver, mechanic, at bus conductors sa industriya ng transportasyon, at mga customer service consultant, pharmacy assistant, financial consultant, merchandiser, at mga cashier para naman sa sales at service.

Para naman sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, ang mga nangungunang bakanteng posisyon ay para sa service/hotel workers, general labor/technician, forecourt (petrol filler), butcher (supermarket), hospital workers, nurses, engineers, labor workers, sales personnel, at mga karpintero.

Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga bakanteng puwesto sa pamahalaan ay mga Architect, Planning Assistant, abogado, Project Evaluation Officer, Draftsman, Stenographic Reporter, Engineer, Stenographer, Planning Officer, at Traffic Constable sa Metro Manila Development Authority (MMDA); Fire Officer I sa Bureau of Fire Protection (BFP); at Administrative, Technical, Supervisory, at Division Chief level position naman sa Department of Trade and Industry (DTI).

Mayroon ring bakante para sa Officer at Enlisted Personnel, Civilian Employee, Naval Officer Candidate Course, Basic Seaman Course, and Marine Basic Course sa Armed Forces of the Philippines (AFP); Supervising History Researcher, Supervising Science Research Specialist, Science Research Technician, Museum Researchers, Museum Technicians, History Researchers, Historic Sites Development Officers, Architects, Engineers, Shrine Curators, Museum Guides, Administrative Aide, at Administrative Assistant sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP); at Technical Staff, Senior Programmer, Planning Officer, Project Development Officer, Supervising Accounts Specialist, Community Development Officers, at Project Evaluation Officer sa Social Housing Finance Corp.

Magkakaroon din ng pre-employment services mula sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistics Authority (PSA), Professional Regulation Commission (PRC), at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Magbibigay naman ng libreng gupit at massage service ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ginugunita ang 2018 Independence Day na may temang, “Kalayaan 2018 Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”

END/aldm/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry